in

Paano Gumamit ng Valora Mobile Remittance App ng Celo Blockchain (Tagalog Guide)

Translated by Arzen Ong from Send Money and Other Things You Can Do With Valora App in the Philippines published on March 8, 2021.

Marami ng mobile wallet apps ang kasalukuyang ginagamit dito sa Pilipinas. Iniibsan ng mga ito ang abala sa pagreremit at pag transfer ng pera. Ang ilan sa mga apps na ito ay ginagamit pang shopping, ang ilan naman ay e-money wallets ng mga telecom operator, at ang iba ay mga apps ng bangko.

Ang Valora app, na gawa ng cLabs, ay isa sa mga app na may napakagandang layunin – ang madali at mabilis na pagpapadala ng pera. Yung parang nag send ka lang ng text message, simple at mura lamang at hindi nangangailangan ng komplikadong account numbers. Ginagamit ng Valora app ang iyong mobile number bilang iyong account number at ang pagpapadala ng pera gamit ng Valora ay nagkakahalaga lang ng 48 centavos. 

Pangkalahatang Detalye sa Valora

Ang Valora app, na gawa ng cLabs, ay isang mobile payment at remittance app na ginawa gamit ang Celo platform. Ang Celo ay isang blockchain na dinisenyo upang suportahan ang mga stablecoins at digital assets. Ginagamit nito ang iyong Mobile number bilang Public Keys para sa seguridad ng iyong account. 

At dahil decentralized ang disenyo ng blockchain na ito, hindi dumadaan sa mga intermediaries ang mga perang ipinapadala sa Valora. Isa ito sa pinakamalaking pagkakaiba ng Valora sa mga tradisyonal na banking apps sa bansa. Ang teknolohiya ng blockchain ang nagsisilbing tulay upang makapag transfer ng pera na hindi na kailangan pang kumpirmahin ng magkabilang partido. Ang blockchain na ang nag kukumpirma nito para sa kanila.

Kung isa ka sa mga masugid na tagasubaybay ng Bitpinas, alam mo na medyo komplikado ang Blockchain. Marami sa publiko ang hindi pa lubos na pamilyar sa mga konsepto nito tulad ng ‘peer to peer’. Alam ng cLabs na sa paggamit ng kapangyarihan ng blockchain, maaari tayong makapag padala ng pera sa mas murang paraan. At ito ang layunin nila sa paggawa ng Valora. Ang layunin ng cLabs sa paglikha ng Valora ay magamit ito ng mga tao na nangangailangan ng mas murang paraan ng pagpapadala ng pera subalit hindi gaanong naiintindihan ang teknikalidad ng blockchain.

Imbes na mag pokus sa mga elemento ng blockchain sa pag gawa ng account,  Pinili ng Valora na gamitin ang mobile phone numbers – sapagkat mas pamilyar ang masa dito. Ang mobile numbers ang nagsisilbing paraan upang ma-kumpirma ang identity ng users nito at malaman ang nilalaman nitong pondo. Marahil ay pamilyar na ang karamihan sa mga Pinoy dito sapagkat ito rin ang proseso na ginagamit ng karamihan sa mobile wallets sa ating bansa.

Solusyon sa problema ng transaksyon.

Sa kasalukuyan ang mayroon tayong dalawang ‘sakit ng ulo’ na nararanasan tuwing tayo ay magpapadala ng pera sa labas ng normal na ‘identity verification process’:

Transaction CostTransaction Speed

Sa isang tradisyunal na transaksyon, aabutin ng halos dalawang araw bago dumating ang iyong padala mula sa Singapore papunta sa ating mga lokal na remittance outlet. Kung ipinadala mo ito ng Sabado, sa Lunes pa ito makakarating. Kung tiyempo na holiday sa Lunes, maghihintay ka nanaman ng isang araw pa. 

Marami din fees na kailangan bayaran dito. Ang unang fee ay para sa transaksyon mismo. Kadalasan, umaabot ito sa Php 145 pataas.

Ang sunod naman ay ang mga ‘hidden fees.’ Ang kasalukuyang ‘exchange rate’ mula SGD sa PHP ng mga remittance company ay kadalasang mas mataas kumpara sa exchange rate na makikita mo sa Google. Madalas na pinahihina ng mga remittance company ang halaga ng pera mo upang makakuha sila ng mas malaking cut dito na kadalasang itinatago bilang ‘fees.’

Ang transaction fees sa Valora ay umaabot lamang ng 48 centavos. Walang pagbabago dito kung ang padala mo man ang galing Singapore papuntang Manila o kaya ay mula Cebu patungong Manila. 

(Marahil ngayon ay nagtataka ka kung bakit ang iyong BDO to BDO na padala ay may transfer fee na umaabot ng Php 50, samantalang 48 centavos lang ito sa Valora. Hindi naman physical na ipinadala ang iyong pera at isinakay ng bus o barko patungo sa kung saan mang destinasyon mo ito ipinadala)

Hindi man libre ang pagpapadala ng pera sa Valora, di hamak naman na mas mababa ito kung ikukumpara sa mga tradisyunal na remittance channels. Isipin mo nalang kung gaano kamahal kapag sa labas ka na ng bansa nagpadala.

Paano mag umpisa sa Valora.

Upang makapag simula sa Valora:

I-download ang app nito sa App Store o sa Google Play Store.Mag sign up para sa account gamit ang iyong mobile number. Pondohan ang iyong Valora app gamit ang Celo Dollars (cUSD).Pumili ng recipient (padadalhan) sa iyong contact list.Ang recipient ay makakatanggap ng text message kung paano i-redeem ang kanilang cUSD.

Palala: Ang BitPinas ay may partnership sa Celo. Ang pagbisita sa website ng Valora o ang pag download ng app nito ay sumusuporta sa BitPinas.

Karagdagang detalye tungkol sa Valora

Sa ‘home’ page ng app mo makikita ang lahat ng iyong aktibidad sa Valora, kasama na rito nagpapadala o nakatanggap mo ng CELO o ng cUSD. Ito ang dalawang cryptocurrency na ginagamit ng Celo Blockchain. Ang Celo Dollars o cUSD ay isang stablecoin na nakatali ang presyo sa US dollar. Ang CELO naman ay ang native cryptocurrency sa blockchain nito. Dito mo rin makikita ang QR code na maaari mong gamitin para mapabilis ang iyong pagpapadala. 

Magagamit mo din ang QR button para makapag scan ng ibang QR code. Ginagamit ito kung nais mong direktang makipag transfer sa isa pang app.

Sa ‘CELO’ page mo naman makikita ang iyong Celo balance, ang kasalukuyang presyo ng Celo, at pati narin iba’t ibang paraan para ma withdraw ang token na ito.

Sa ‘Account key’ page mo naman makikita ang iyong personal na private key. Isa ito sa mga patunay ang ang Celo ay isang blockchain network. Importante ang mga ‘phrase’ na nakikita mo sa page na ito dahil ito lamang ang maaari mong gamitin kung sakaling ma lock out ka sa iyong account. Importante na isulat mo ang mga phrase na ito at itago sa mga secure na lugar gaya ng pagiingat mo sa iyong birth certificate at passport. Makabubuting huwag kunan ng larawan ng phrase na ito upang maiwasan ang posibilidad na ma-hack ang impormasyon na ito.

At ang pang huli, sa ‘Add and Withdraw’ page ka maaaring mag cash in at cash out.

Sa settings page mo maari mong baguhin ang language ng app, ang currency, at kung nais mong i-enable ang ‘Data Saver’. Kapag inactivate mo ito,  ilang bahagi lamang ng node ng Celo blockchain ang gagamiting upang mapababa ang nakukunsumong sa bandwidth ng app. Ikino-konekta ng Valora ang dalawang magkalapit na nodes upang mas mabilis mag start up ang app at mas mababa ang tatency sa paggawa ng transaksyon.

Paano maglagay ng pondo sa Valora

Sa Pilipinas, ang pinakamahusay na paraan ng paglalagay ng pondo sa Valora ay sa paggamit ng BloomX. Isa itong lisensyadong virtual currency exchange.

Pumunta sa Facebook page ng BloomX.Mag send ng PM sa kanila ay mag sabi na gusto mong bumili ng CELO o ng cUSD.Hintayin ang reply ng BloomX at ibibigay nila sayo ang kasalukuyang rates.Kung nais mong magpatuloy, hihingin ng BloomX ang iyong CELO mobile number sa Valora App o kaya naman ay ibang valid na wallet address kung saan nila ipapadala ang binili mong tokens.Matapos mong bayaran ito, ipapadala na nila sa iyo ang CELO o ang cUSD na iyong binili.

Ano ang maaari mong gawin sa Valora

Makilahok sa mga Celo Rewards program*.Bumili sa mga ‘beam and go’ na partner merchants*.Magpadala ng pera sa iyong mga kaibigan, kakilala, at mga mahal sa buhay.Mag cash out gamit ang ‘Gift Cards’ mula sa mga partnet na shops nito tulad ng 7-Eleven, OTTO Shoes, Landmark, at Zalora. (narito ang listahan ng mga gift cards)

Sino ang tumatanggap ng cUSD?

Dahil narin sa partnership ng Valora sa ‘beam and go’, maaari ng bumili ang mga users nito ng mga vouchers sa mga sumusunod na stores:

National Capital Region:

Super 8Generika DrugstoreAll Day Evia

Cebu

Prince HypermartGaisanoSM Seaside

Upang makumpirma ang kanilang lokasyon, bisitahin ang listahan ng mga partner merchants ng Celo dito.

Bakit kailangan gumamit ng Valora?

Gaya ng nabangit na natin, marami ng ibat ibang mobile e-wallets ngayon. Eto ang ilan sa mga dahilan kung bakit magandang ikonsidera ang paggamit ng Valora:

Mayroon kang kontrol sa iyong pera. Ang Valora ay nagsisilbing parang bank account mo. Malaking pagkakaiba ito sa ibang ‘custodial’ na e-wallets dahil ang mga kumpanya na gumawa ng mga wallets na iyon ay may kakayahang isara ng biglaan ang iyong wallet sa kung ano mang dahilan ng hindi nangangailangan ng pag apruba mo.

Ang kakayahan na gamitin ang iyong Celo Dollars sa remittance o di naman ay pang bili ng mga real life na items ay isang abilidad na hindi kayang tapatan ng iba pang stablecoin gaya ng Tether (USDT).

Dagdag pa dito, nangangailangan ng transaction fees sa paggamit ng USDT, at madalas ay Ethereum ang pambayad dito, na madala din ay may kamahalan ito lalo na para sa isang ordinaryong Pilipino.

Sa Valora, ang transaction fee ay 48 centavos lamang. Hindi ito zero ngunit halos libre na. Ang mga transaksyon tulad ng pagpapadala ng pera ay tumatagal lamang ng 3 segundo. Sa ganitong paraan ay maaari mong hati hatiin ang iyong padalang pera at ilaan ito para sa mga pag gagamitan nito. Halimbawa, imbes na magpadala ka ng $100 sa iyong magulang para sa lahat ng kanilang pangangailangan sa bahay, maaari kang magpadala lang ng $15 sa iyong lolo at lola pambili nila ng gamot, $25 naman para sa iyong kapatid at sa kanyang pag aaral, $50 sa iyong ina at $10 naman sa iyong ama. HIndi mo ito magagawa sa tradisyunal na remittance set up dahil sa taas ng transaction fee ng mga ito. Sa ganitong paraan makakatulong ang Valora upang mapadali ang pag manage mo ng pera sa iyong padala.

Pangkalahatan

Sa Pilipinas unang sinubukan ng cLabs ang Valora app. Nabigyan nito ng pagkakataon ang grupo sa likod ng Valora na malaman kung ano ba talagang remittance app ang makakatulong sa mga Pilipino. HIndi kagaya ng ibang e-money apps, hindi nangangailangan ang Valora app ng mataas ng bandwidth upang gumana. Ang paggamit ng blockchain ang nagbigay daan para sa mabilis at murang transaksyon nito.

Kamakailan ay maraming kasunduan ang ipinasa ng cLabs upang makasiguro na magamit ang app nito bilang pambayad sa iba’t ibang mga merchants, isa na rito ang partnership nila sa ‘Beam and go’. Ang pag ‘cash in’ at ‘cash out’ ay posible narin sa pakikipagtulungan ng BloomX. Kasalukuyang nagdadagdag pa ang cLabs ng mas marami pang merchants upang mas mapalawak ang ‘cash in’ at ‘cash out’ options nito. Ngayon na marahil ang pinakamagandang pagkakataon na subukan ang app at ma-experience gumamit ng blockchain at ng cUSD narin at kumita ng CELO.

I-download na ang app dito sa App Store at Play Store.

Ang artikulo na ito ay nailathala sa BitPinas: Paano Gumamit ng Valora Mobile Remittance App ng Celo Blockchain (Tagalog Guide)

The post Paano Gumamit ng Valora Mobile Remittance App ng Celo Blockchain (Tagalog Guide) appeared first on BitPinas.

Source: Paano Gumamit ng Valora Mobile Remittance App ng Celo Blockchain (Tagalog Guide)

What do you think?

German Bundesliga Features in Blockchain Fantasy Football Platform Sorare

Dubai crypto exchange BitOasis raises $30 million funding